bilog (circle)…
ito po ang entry ko para sa Litratong Pinoy para sa linggong ito, na may tema na “ako ay bilog”

ang litratong pinoy po ay bukas para sa lahat ng pinoy na mahilig kumuha ng litrato, i-click nyo na lang po ang nasa itaas para sa karagdagang impormasyon.

isa ito sa mga “manhole” na nadadaanan ko nung tumira ako sa washington dc ng halos tatlong linggo. ito ay halaw sa nakita kong larawan nung ako’y nanood ng exhibit nila versoza at de leon sa gateway mall sa para sa sony alpha. yung larawan ni de leon sa isang manhole sa japan ang nakakuha ng atensyon ko, doon ko nakuha ang inspirasyon para sa larawang ito.
this is one of the manhole that i freqeuntly passed by when i lived in washington dc for almost 3 weeks. i based this photo from an exhibit by versoza and de leon at the gateway mall for sony alpha. a photo by de leon on a manhole in japan caught my attention, and that’s where i got the inspiration for this photo.





ang galing ng kuha mo.
nalala ko nung muntik na akong mahulog sa manhole sa iskinita ng maynila heheh…
mousey
2 Apr 08 at 11:28 pm
Mabuti at may takip ang manhole na iyan
Up na rin ang “Ako ay bilog entry” ko
Mabuhay kabayan!
nona
2 Apr 08 at 11:58 pm
I always love to see this photoblog Lino. I love your photos. Great image here!
Ambo
3 Apr 08 at 1:18 am
may kulay? sinasabi ko na nga ba na di yan dito sa Pinas kuha, bukod sa kakaiba ang kulay. pag dito yan sa pinas malamang ninakaw na at isang kahoy na lamang ang nakalagay para lang malaman na open manhole.
perfect bilog
Girlie
3 Apr 08 at 1:25 am
loko din pala yang mga kano no? di naman water yan kundi metal. :p
iRonnie
3 Apr 08 at 3:13 am
Sabi ko na nga ba hindi sa Pilipinas yan kasi mukhang nakatakip ng mabuti. Yung mga manholekasi natin,wala nang mga takip,
Magandang araw ng Huwebes sa iyo.
julie
3 Apr 08 at 4:15 am
ah, alerdyik ako sa manhole kasi 3 beses na ako nahulog hu hu hu!
nice shot Lino…even the shadow adds drama…galing mo talaga idol!
Thesserie
3 Apr 08 at 6:55 am
syempre ang neybor ko..kahit kailan..kakaiba ka!
ang galing!!!
love it!
Lizeth
3 Apr 08 at 7:15 am
Ang ganga ng concept and contrast. Ang galing.
Em Dy
3 Apr 08 at 7:24 am
yan ang lungga ng teenage mutant ninja turtles. hehehe, ayus
Kotsengkuba
3 Apr 08 at 7:59 am
hi lino, ang ganda ng kuha.
tulad ng larawan ni de leon, ang larawan mo ay nakaka-inspire rin.
maligayang huwebes!
Meeya
3 Apr 08 at 1:43 pm
ang layo pala nang pinanggalingan nung manhole! akala ko rin nung una sa pilipinas. hehehe! naging art ang manhole dahil sa larawang iyong kinuha.
mabuhay!
Munchkin Mommy
Mapped Memories
weng
3 Apr 08 at 6:34 pm
You take such wonderful pictures!
Pinky
3 Apr 08 at 11:01 pm
good shot,as always!!!
by the way, ni-link kita sa photoblog ko ha, thanks!
FickleMinded
4 Apr 08 at 2:43 am
astig. i like
ok talaga ang mga ganitong klaseng kuha. seemingly mundane things turn out to say a lot when photographed the right way.
ris
4 Apr 08 at 3:41 am
hehehehe ang galeeng nakakatuwa naman ang lp gusto ko na ren sumali
eloise
4 Apr 08 at 9:30 am
gustong gusto ko ang tekstyur ng kuha mong ito
kakaiba ang “bilog” mo
Kaje
4 Apr 08 at 3:06 pm
it’s a beautiful photo, you truly are one gifted soul lino! can’t wait to see more of your shots
sardonic nell
4 Apr 08 at 7:03 pm
thanks mousey…
salamat nona…
thanks ambo…
korek girlie…
hahaha ronnie…
tama julie…
thanks ma’am thess…
thanks neighbor liz…
salamat em dy…
hehe. korek kotsengkuba…
maraming salamat meeya…
salamat weng…
thanks pinky…
thanks fickle, sige link din kita…
thanks ris…
sali ka na rin eloise…
salamat kaje…
thanks sardonic nell…
Lino
4 Apr 08 at 10:58 pm
napakagaling kaibigang lino. Isang simpleng takip pang kanal na dinadaanan lamang ay naging isang inspirasyon ng sining. Kahanga hanga
bluep
6 Apr 08 at 10:20 am
thanks bluep…
Lino
9 Apr 08 at 5:46 am