Archive for the ‘litratong pinoy’ Category
LP: abo…
manila bay
Magandang araw mga kasama, narito ang aking bahagi para sa litratongpinoy na may temang “abo”.
Ito po ay kuha sa baybayin ng maynila, sa sobrang dumi ng tubig ay halos kulay abo na sya. Hindi ko sinama sa larawan ang mga iba pang bagay na nagsisilutangan sa ibabaw ng tubig.
Sana dumating ang panahon na tuluyang malilinis ang baybayin ng maynila… ako pa rin ay umaasa.
LP: pagmamahalan…(love)
Isang Kasalan
Magandang araw mga ka LP, narito ang aking bahagi para sa tema ngayong linggong ito, Mahal/Pagmamahal (Love)
Ang pag iisang dibdib ang isang halimbawa ng pagpapakita ng tunay na pagmamahalan. Ito ay isang pagsasapublikong pagpapahayag ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinahahayag nilang dalawa sa lahat ng tao ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Ito ay isa sa aking mga kuha ng kasalang John at Lara na ginanap sa Laiya Batangas.
LP:lungkot…(sad)
sa baybayin
Magandang araw mga ka LP, narito po ang aking bahagi sa litratongpinoy.com para sa tema ngayong huwebes na “lungkot” (sad).
Kuha po iyan sa baybayin ng maynila, nakuhanan ko siyang nag iisa, marahil ay nalulungkot, hinihintay lumubog ang haring araw.









The article has
2 responses