ihip ng hangin…
narito ang aking bahagi para sa litaratong pinoy ngayong linggo na may temang ‘ihip ng hangin’…
here’s my share for litratong pinoy with the theme ‘blow of the wind’…

heto na naman ako at dali daling nag set up, nawala sa isip ko yung tema para sa linggong ito kaya heto medyo rush, hehe. nilagay ko ang isang itim na eletric fan sa isang puting background, naghanap ako ng ribbon, yan lang ang nakita ko galing sa isang regalo nung nakaraang pasko… :) tinali ko yung ribbon sa electric fan at pinaandar. dahil wala akong dalang tripod, naghanap ako ng silya na ka level ng electric fan, naghanap ng kahon para ipatong sa silya kse kulang pa ang taas nito. ilang beses din akong sumubok na kumuha ng litrato, dahil pag masyadong mataas yung shutter, masyadong blur na yung ribbon na halos di mo makita, pag masyang mababa naman naka freeze lang sya at walang movement. so pinag eksperimentuhan ko kung saan yung tamang tama lang na mayroong movement at may part na malinaw na kita rin ang ribbon. para dito gumamit ako ng 1/15 na shutter… at narito ang kinalabasan.
at tinatamad na ko magtranslate sa english…
just leave a comment if you dont understand what i’m saying up there and i’ll interpret it for you…
Happy thursday everyone…






natawa naman ako… pero napakamalikhain… magandang araw!
betchay
29 May 08 at 12:25 am
Tuwang tuwa ako lagi sa mga akda mo. Ang dami kong natututunan. Magandang Hwebes!
Em Dy
29 May 08 at 12:32 am
isang simple ngunit magandang idiya ng paghuli sa ihip ng hangin. napaka ‘resourceful’ mo. ayos ang kinalabasan. salamat din sa pagdalaw mo. magandang araw ng Huwebes sa iyo.
RoseLLe (Reflexes)
29 May 08 at 12:51 am
nakaka enganyo mag experimento ng paghuka ng “actions” sa litrato no? may natutunan ako sa naisulat mo, salamat ha.
magandang huwebes!
christine
29 May 08 at 1:32 am
Magaling lino, hehe. ayos na ayos ang lahok mo.
NONA
29 May 08 at 1:36 am
haha!! i love this! galing!!!
ettey
29 May 08 at 1:37 am
ang galing ng effect ng black and white sabay may matingkad na green!
magandang huwebes sa’yo!
lidie
29 May 08 at 2:01 am
Katamad talaga mag-translate lalo na’t mahaba ang akda mo. Haha! Ang galeng ng naisip mo at buti ay nakakuha ka ng magandang shot. Na-imagine ko na kung naka-ilang ulit kang kuhanan ito. Galeng!
Magandang Huwebes sa yo kaibigan!
Buge
29 May 08 at 2:41 am
kahit simpleng bagay, nailalarawan mo ng maganda!
happy hwebes!
Dyes
29 May 08 at 3:13 am
iba ka talaga Ka Lino ma improvise ang iyong isipan.. teka maganda rin yung mga kuha mo sa pyro olympics ha…super ganda
jennyL
29 May 08 at 3:28 am
uy pareho tayo ng naisip. kaso sa akin close-up lang pero minadali din. hehe. happy huwebes sa iyo!
leah
29 May 08 at 3:36 am
i didnt realize all the trouble in setting up that shot. well done!
Linnor
29 May 08 at 4:01 am
Talaga naman lahat ay gagawin para me magandang larawan
Happy Huwebes!
julie
29 May 08 at 4:55 am
simple pero madrama ang lahok mo! naisip ko rin ang electric fan pero di ko naisip na talian ng ribbon. magandang huwebes!
http://www.chartherct.com/2008/05/29/litratong-pinoy9-ihip-ng-hangin/
Tere
29 May 08 at 5:14 am
Hi Lino. Pareho tayo ng idea kaso lang pangit ang labas ng kuha ko kaya pinalitan ko na lang ng iba. Grabe pala ang pinagdaanan mo bago kinuha iyan - sulit na sulit naman ang resulta. Magandang Huwebes!
ZJ
29 May 08 at 6:06 am
Bentilador din ang aking lahok!
Gustung-gusto ko ang kuha mo! Parang masarap paglaruan ang berdeng ribbon na ito. Magandang huwebes!
toni
29 May 08 at 7:04 am
Oo nga naman, ba’t di ko naisip ito? Galing naman!
Pinky
29 May 08 at 7:44 am
sana si Mrs. Sol ang modelo, haba kaya ng hair nya, ang ganda tyak ng kalalabasan!!
o, nagreklamo pa eh ano? lab yu uncle lol!
stolenshots
29 May 08 at 8:10 am
waaa, bakit ’stolenshots’ yan name ko?
using another laptop kasi , darn cookie ha ha!
thess
29 May 08 at 8:11 am
sabi nga nila: simple pero rock.
as usual, entertaining ang mga akda mo para sa LP. mahusay!
happy lp sa iyo!
haze
29 May 08 at 8:15 am
naku, salamat din at di lang litrato ang iyong binabahagi, marami din akong natututunan sa iyong mga akda. Salamat!
gandang LP sa iyo!
teys
29 May 08 at 1:37 pm
Hihihi, nakakaaliw ang maganda mong kuha! Aba, di ko naisip ito, galing mo naman! Nahirapan din ako bago nakapaglagay ng lahok! gandang huwebes!
g
29 May 08 at 1:52 pm
ok ito ha…very creative mo talga…
bow ako sa iyo…
Happy Thurs
jeanny
29 May 08 at 2:37 pm
as always, lino, galing ng entry mo.
maganda din siguro kung red yung ribbon. parang nag-’slice’.
magandang huwebes sayo!
Iris
29 May 08 at 2:52 pm
Galing, galing!
nina
29 May 08 at 6:23 pm
magaling ang ideya at napaka malikhain mo.
mousey
29 May 08 at 10:06 pm
magandang combi ng color - green na may black and white.
kiwipino
30 May 08 at 12:32 am
maraming salamat po sa lahat ng dumaan…
lino
30 May 08 at 2:41 am
Isa sa mga inaabangan kong entry ang iyong lahok tuwing hwebes brother. Nice capture. Mahangin nga! Happy weekend!
Ambo
30 May 08 at 6:07 am
as always… maganda ang iyong litrato
iska
30 May 08 at 11:27 am
Lino, ang creative mo naman. Naisip ko din ng una kumuha ng electric fan ngunit parang hindi maganda lumabas ang litrato ko. Ayos yung kuha mo… kahit paulit-ulit mong ginawa at least nakuha mo rin sa huli.
By the way, ang ganda ng mga World Pyrolympic pictures mo ha.
Clicking Away
30 May 08 at 6:29 pm
Nagmadali ka pa pala niyan. Ang ganda ng pagkakakuha. Mas lalo na siguro kung may enough time ka na i-prepare ang subject mo.
Salamat sa pagdalaw sa entry ko.
Bahchi
31 May 08 at 2:14 am
Maganda ang pagkakakuha! Creative indeed!
happy weekend po!
MommyBa
31 May 08 at 5:26 am
hehe, maraming salamt po….
Lino
31 May 08 at 5:58 am
hayyy.. pinahanga mo na naman ako sa composition mo. ang galing!
ate sienna
31 May 08 at 11:31 am
salamat po…
Lino
1 Jun 08 at 6:47 am
nahuli ako sa pagbisita sa iyong lahok! galing talaga nang kuha mo, lino!
maligayang LP!
Dragon Lady
5 Jun 08 at 8:07 am