Lino Photography

Me and my Camera

maalaala mo kaya…(can you remember?)  

it’s litratongpinoy day, here’s my share for the theme “maalaala mo kaya…” (can you remember…?)

maalaala mo kaya ang iyong unang tampisaw sa dagat? nasa davao ako nung oct 31 hanggang nov.3 kaya ngayon lang nakapag post, hehehe. may sunburn ako sa bandang likod dahil sa pagligo namin sa beach, marahil ito ang nag udyok sa kin para ito ang aking i-post para sa linggong ito. ito ay kuha ng mga bata na naliligo sa manila bay, hinintay ko na magtapon ng bato yung bata sa tubig kaya may nakikita kayong konting splash sa tubig.

maligayang huwebes sa ating lahat.

and for my friends in the united states of america, congratulations to president elect Barrack Obama.

The article has

27 responses

Written by Lino

November 5th, 2008 at 10:43 pm

27 Responses to 'maalaala mo kaya…(can you remember?)'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'maalaala mo kaya…(can you remember?)'.

  1. grabeh ka talaga!happy LP rin Lino!

    spiCes

    5 Nov 08 at 11:59 pm

  2. Akala ko kasama ka doon sa mga nagtatampisaw…hehehe

    Ganda ng effect noong batong nag-splash sa tubig!

    Kaya naman pala na-sunburn ka e…kaka-intay itapon nung bata yung bato! E mukhang palubog na yung araw noong mag-decide siyang gawin ito kaya sunog ka na malamang by that time…araykopo!

    Pinky

    6 Nov 08 at 12:07 am

  3. going to the beach is one memory that Patrick loves to talk about,knowing that he was only 2 yrs old when we went there but the memory is always fresh as ever!
    awesome photo!

    FickleMinded

    6 Nov 08 at 1:01 am

  4. maganda talaga ang kuha mo:)
    thumbs up

    ..maligayang LP:)

    http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-2-maalala-mo-kaya.html

    tanchi

    6 Nov 08 at 2:12 am

  5. grabe, ang ganda naman ng litrato mo :)

    hindi ko na matandaan kung kailan ang huling tampisaw ko sa dagat, pero naalala ko na nonng bata ako, namangha ako sa ganda ng beach sa iba, zambales :)

    ibyang
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

    ibyang

    6 Nov 08 at 2:14 am

  6. malaki yata yung batong itinapon. mukhang malaki din kasi yung splash sa pic. ganda ng tone sa litrato na ito. :)

    mas mahirap nga magpalaki ngayon ng mga bata dahil na rin sa ginagalawan nilang environment – maraming masamang impluwensya gaya ng mga palabas sa tv, mga billboard na naglalakihan, mamahaling mga laruan, etc.

    Overflow
    Captured Moments

    Linnor

    6 Nov 08 at 2:19 am

  7. nung mga bata pa kami d kami nakakapunta sa dagat kasi malayo ang dagat sa amin.. kay ganda ng kuha mo dito

    happy LP

    eto po akin
    http://jennytalks.com/2008/11/lp-maalaala-mo-kaya-can-you-still.html
    http://jennys-corner.com/2008/11/lp-maalaala-mo-kaya-can-you-still.html

    jennyL

    6 Nov 08 at 2:53 am

  8. Ang ganda naman nito Lino :) Nagpapa-alala ito ng masasayang sandali sa dagat noong ako ay bata pa :)

    julie

    6 Nov 08 at 3:00 am

  9. Ang ganda ng kulay at effect lino. Gusto ko rin yung effect ng batong itinapon sa tubig…. akala mo may batang sumisid.

    Marami pa bang naglalangaoy sa Manila Bay? Hindi ko pa ginawa yon at wala aking balak gawin ito sa dumi ng tubig doon.

    Clicking Away

    6 Nov 08 at 5:05 am

  10. sobrang ganda naman ng litrato na to…

    nadarama ko talaga yung araw, bugso ng hangin, ligaya ng mga hagikgik, ang kaunting pagkaginaw, at ang dampi ng tubig-alat…

    ian

    6 Nov 08 at 5:15 am

  11. hay, kainggit naman! davao! at parang ginintuan ang kulay ng tubig-dagat dito! ganda! :)

    miss ko na ang dagat sa pinas!

    fortuitous faery

    6 Nov 08 at 6:12 am

  12. Ganda! parang ending screen ng One Piece, hehehe:D Hmmm, hindi pa ako nakakatambay sa Manila bay.

    komski

    6 Nov 08 at 6:36 am

  13. Parang ang sarap naman makisama sa kanila. Ibang-iba ang dating ng pagtampisaw o paglaro sa tubig kapag takipsilim na.

    toni

    6 Nov 08 at 7:27 am

  14. Tulad ng dati, isa na namang napakagandang litrato ang iyong naibahagi ngayong linggo! Nakaka-engganyong magtampisaw sa tubig :)

    Sreisaat

    6 Nov 08 at 7:48 am

  15. Ganda ng kuha!:) Musta na Lino?

    cheh

    6 Nov 08 at 8:11 am

  16. Great timing Lino! Ang ganda ng effect ng splash sa tubig!

    psst Davao next year sama na ako ha, pati raw si Missy! :)

    thess

    6 Nov 08 at 8:22 am

  17. Ang ganda ng ginintuang kulay, naalala ko noong mga bata kami madalas kami sa beach buong kamag-anakan, para bang libre lagi ang gasolina sa dami ng sasakyan na pupunta kami kung saan saan…pero nabago nung tumanda na…hay sarap balikan, salamat ha…

    G_mirage

    6 Nov 08 at 10:03 am

  18. naku hindi ko na yata maalala ang una kong pagtatampisaw sa dagat! malamang sa batangas yun. :)

    Munchkin Mommy

    6 Nov 08 at 2:55 pm

  19. ang ganda ng ‘yong picture, buhay na buhay :-)
    maligayang araw sa ‘yo.

    pining

    6 Nov 08 at 3:46 pm

  20. woah..ang ganda talaga ng kuha mo. tsaka ang ganda ng epek ng splash ng tubig. Saan ka namasyal sa Davao? taga-Davao kasi ako e.

    Marites

    7 Nov 08 at 1:53 am

  21. salamat po sa lahat…
    ma’am cheh, long time no see….. :)
    ma’am thess, SURE!!! :)
    marites, sa kapalong davao del norte ako nag stay… minsan nasa panabo…. :)

    Lino

    7 Nov 08 at 5:51 am

  22. Ang galing!

    Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

    Shuttercow

    7 Nov 08 at 8:03 am

  23. Beautiful…the water looks like gold…

    Sidney

    7 Nov 08 at 12:48 pm

  24. galing naman ng shot mo!

    Jules

    10 Nov 08 at 12:20 pm

  25. awesome shot!!!

    nina

    10 Nov 08 at 8:10 pm

  26. ang galeeng….husay sa play of light!!!

    haaayyy…sarap naman nyan.

    magtampisaw parang walang pakialam sa mundo hahahaha

    davao tayo next year ha!!!

    entry ko
    http://eloiselei.blogspot.com/2008/11/lpmaalaala-mo-kaya.html

    eloise

    11 Nov 08 at 4:16 am

  27. ang ganda naman ng kuha mo :) *clap* *clap*

    Dyes

    11 Nov 08 at 10:43 am

Leave a Reply