Lino Photography

Me and my Camera

pag-iisang dibdib…  

 huli man daw at magaling… eh makahahabol rin… pero huli pa rin… hehehehe.

narito ang aking pahabol na lahok para sa litaratong pinoy ngayong linggo na may temang “pag-iisang dibdib”

 

ito po ay kuha sa kasal ng aking kaibigan sa singapore, ito ang aking unang job offer as an offcial wedding photographer, kse no choice na siya eh, hehehehe.

 

ito na naman po ay kuha sa may Insular Waterfront Hotel in Davao City, isa lang po ako sa kamag-anak na naki picture kasabay ng wedding photographer nila, dahil sa tagal na aabutin ng pagkuha ng album sa  offcial wedding photographer nila, pinadevelop nila yung buong 500 shots ko ng wedding nila at yun ang dinala nila pabalik ng new york…

 

ito naman po ay kuha sa beach wedding ng kaibigan ko sa cavite, siguro masyadong masaya ang bride kaya di mapigilang mapangiwi ang kanyang labi sa tuwa at excitement… :)

 

narito naman po ang aming litrato nung aming kasal… :)

 

maligayang LP sa lahat…

The article has

38 responses

Written by Lino

June 5th, 2008 at 10:26 pm

38 Responses to 'pag-iisang dibdib…'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'pag-iisang dibdib…'.

  1. pwede ba kitang i-hire sa pagpapakasal kong muli? haha matagal tagal pa nga lang iyon…

    ces

    5 Jun 08 at 10:59 pm

  2. napaka-gandang mga kuha nanaman! kailangan ko lang banggitin na paborito ko ang unang litrato… ang galing mo, lino!
    magandang araw sa’yo!

    lidie

    5 Jun 08 at 11:26 pm

  3. Maganda! lalo na yung sa huli at bongga naman ang kasal mo may fireworks pa! Taga Davao ka ba?

    Salamat sa pagdalaw!

    Tere

    6 Jun 08 at 12:48 am

  4. napakaganda ng mga kuha mo!! kung nakilala kita bago ako ikasal..sana ikaw na lang ang naging official wedding photographer namin. hayaan mo, malapit na din naman ang 10th anniversary namin..mga 4 yrs from now :)

    ganda nung last pic…romantic..sobra :D

    Cookie

    6 Jun 08 at 12:58 am

  5. ang galing! idol kita sa pagkuha ng larawan. :) at marami pa kong dapat matutunan sa ‘photography’

    pwede ka bang kumuha ng pictures sa kasal ko? hahaha, subalit matagal pa yun. :)

    ayen

    6 Jun 08 at 2:06 am

  6. kahanga-hanga ang unang litrato at yung sa cavite…

    sa una, animo’y may sariling bukal ng liwanag ang mga bulaklak niang hawak…mahiwagang tignan!

    at nakaka-agaw ng pansin ang dingding sa cavite, parang balat ng giraffe na ginawang wallpaper.

    siempre, you can never go wrong with fireworks! great photos!

    fortuitous faery

    6 Jun 08 at 2:29 am

  7. ganda po lahat ng mga kuha mo…thumbs up! medyo parang di lang relax yung pagkakataas ng paa nung groom sa second picture. hehe!

    salamat at naihabol mo…kahit huli. galing!

    Hapy LP!

    Reflexes

    6 Jun 08 at 2:55 am

  8. haha, sure ces… thanks…
    salamat lidie…
    davao is my second home Tere, every year nauwi talaga ako dun, may mga relatives ako dun… salamat…
    hehe, salamat cookie…
    haha, salamat ayen, sige pwedeng pwede, hehehe…
    salamat FF… :)
    salamat reflexes…

    Lino

    6 Jun 08 at 3:03 am

  9. kainis, :) sana ikaw na lang ang kumuha ng kasal namin, di pa uso digital nun kung meron man sobrang mahal, hay naku! ang ganda ng lahat ng iyong litrato… galing talaga!taga-dabaw din po ang mga parriente ko, san po kayo dun?

    teys

    6 Jun 08 at 3:39 am

  10. gusto ko yung pic nung wedding niyo. saan yan?

    jen

    6 Jun 08 at 3:42 am

  11. teys, panabo city at kapalong davao del norte ang inuuwian ko dun… :)
    sa josephines kawit cavite yan jen… thanks…

    Lino

    6 Jun 08 at 4:16 am

  12. hi lino! asteeg ang mga kuha mo! parang gusto kong magpakasal ulit at kunin kang potograpo… hehehe! presyong kaibigan lang po ha?

    happy LP! :D

    Dragon Lady

    6 Jun 08 at 4:50 am

  13. sarap sigurong maging wedding photographer! galing!

    christine

    6 Jun 08 at 5:23 am

  14. para lang ma-hire kitang photographer (alam ko naman libre basta ‘kamag-anak’ di ba? bwahaha!) ….

    papakasal ako ulit!! ha ha ha!

    thess

    6 Jun 08 at 5:27 am

  15. ang gaganda ng peechurs! pero ang peborit ko ay yung pangalawa sa may tabing-dagat. partial ako dun eh :)

    Dyes

    6 Jun 08 at 5:43 am

  16. maganda! ano pa ba ang masasabi ko dito? pero sa totoo lang ang pinakagusto ko ay ang kuha nyong mag-asawa :-)

    iska

    6 Jun 08 at 6:13 am

  17. grabe naman sa ganda ang mga shots mo *bow* ako!

    vanidosa

    6 Jun 08 at 6:33 am

  18. Huli man at magaling, magaling pa din! hahaha tama ba ung kasabihan na un?

    Ang gaganda nga ng mga kuha, gusto ko din ung huli! Dramatic!

    g

    6 Jun 08 at 12:09 pm

  19. ang gaganda ng wedding photos :)

    Yung photo nyo ang romatic ha with matching fireworks….

    Thumbs up (as always)

    Happy LP

    jeanny

    6 Jun 08 at 1:52 pm

  20. wow ang galing naman ng mga kuha mo..

    re my lp, oo kasal ko yun. mahusay ang photog namin :D

    alpha

    6 Jun 08 at 2:58 pm

  21. Ang ganda ng mga larawan mo! Kita talaga yung contrast ng mga kulay. belated happy LP sa iyo! :)

    leah

    6 Jun 08 at 3:41 pm

  22. hehe, sure dragonlady, presong LP lang…
    it’s a privilege daw christine, kse your are entrusted to capture the moment of one of the most important event in their life…
    haha, korek auntie, libre basta kamag-anak… :)
    salamat dyes…
    maraming salamat iska…
    thanks vanidosa…
    salamat g…
    salamat jeanny…
    thanks alpha…
    salamat leah…

    lino

    6 Jun 08 at 10:30 pm

  23. galing talaga,kaya hindi ako nagdalawang isip na inominate ka for Blogger’s Choice Award,Best Photography Blog,go check it out.
    vote here. http://www.bloggerschoiceawards.com/blogs/show/50076

    Willa

    7 Jun 08 at 1:40 am

  24. here’s the bardge pala.

    Willa

    7 Jun 08 at 1:41 am

  25. i think you need to sign up so you can get the badge,i trid to copy/paste it but i guess html in comment didn’t work.sorry for flooding your comment ha :)

    Willa

    7 Jun 08 at 1:42 am

  26. ang galing nung kayzane. di ko napansin ganyan pala pader dun.hehehe.

    iRonnie

    7 Jun 08 at 1:54 am

  27. WOW! many many thanks Willa!!! sige i-paste ko na agad yung badge… again thank you very much… :)
    thanks ronnie…

    lino

    7 Jun 08 at 3:12 am

  28. Napaganda talaga ng mga kuha mo! Ako din pag kinasal ay may photographer na! Dalawa pa sila! Pero wala pa kong pakakasalan! Haha!

    Happy LP!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-iisang-dibdib.html

    Buge

    7 Jun 08 at 1:36 pm

  29. uy apply din ako sayo as assistant, kahit tiga abot ng lente at bubuntot buntot sayo ^_^

    and sarap mag wedding photography di ba?

    Girlie

    7 Jun 08 at 11:36 pm

  30. ey, kanino yung fireworks? sa inyo o sadyang nagkataong may fireworks lang ;-)

    Kotsengkuba

    8 Jun 08 at 11:24 am

  31. Lino, ang ganda naman. Gusto ko yung effects sa unang picture mo at yung litrato ng kamag-anak sa beach. Naku, siguro mas maganda pa ang mga pictures mo kaysa doon sa binayaraan nilang photographer.

    Ang ganda rin ng kasal niyo ha… very dramatic yung fire works. Siguro naman eh hindi na ikaw ang kumuha niyan no… baka nag tripod ka pa!

    Clicking Away

    8 Jun 08 at 12:50 pm

  32. Galing naman ng mga kuha mo. Pipili sana ako ng isang shot pero nahirapan akong pumili ng isa lang… Lahat gusto ko e lalo na yong nasa Waterfront.

    zamejias

    9 Jun 08 at 2:26 pm

  33. thanks buge…
    haha, thanks girlie..
    yup sa amin yung fireworks kotsengkuba…
    hehe, yun din ang sabi nila nung nakuha nila yung offcial album nila, hehehe, thanks clicking away…
    thanks zamejias…

    Lino

    10 Jun 08 at 4:03 am

  34. hehehe… mura lang po ang bayad kay lino… actually, libre pa!!!! basta lang… libre ang airfare and accommodation! :P

    thank you so much lino for posting my wedding pix. :)

    galingan mo pa… madami ka na naka line-up na clients! :)

    God bless.

    leigh

    10 Jun 08 at 8:37 am

  35. Ang ganda ng mga kuha mo. Pwede ka na gumawa ng portfolio :) Yong last photo, kuha ba ni Ariel Javelosa? Ang ganda… Maraming nagandahan sa pictures namin tapos kinuha din nila si Ariel Javelosa, so far satisfied naman sila.

    nina

    10 Jun 08 at 6:54 pm

  36. hehe, korek leigh…
    thanks nina, yup sa ariel yung last… :)

    lino

    10 Jun 08 at 10:20 pm

  37. naks, at talagang pang-finale yung sa yo, congrats!!!

    pangarap ko ring maging wedding photographer pero andami ko pang bigas na kakainin bago makalapit man lang sa anino ng mga master! clap clap clap

    side note: ang mamahal ng mga wedding photographers no?! hehe

    zherwin

    11 Jun 08 at 7:24 am

  38. thanks zherwin… honga, mahal talaga…:)

    Lino

    11 Jun 08 at 11:47 pm

Leave a Reply