tatak pinoy…(filipino trademarks)
ito po ang aking bahagi para sa linggong ito ng litratong pinoy na may temang tatak pinoy…
this is my share for litratong pinoy this week with the theme tatak pinoy (filipino trademarks)…

sampaguita at rizal monument
ang sampaguita ang nananatiling pambansang bulaklak ng pilipinas. kalimitan itong ginagawang kuwintas para isabit sa mga panauhing pandangal at tuwing araw ng pagtatapos. sa likod ay makikita ang isa pang kilalang tatak ng pilipinas, ang monumento ni rizal sa luneta park.
the sampaguita is the national flower of the philippines. it is usually made into a garland and are given to guest of honors and during graduation day. at the background you can see another world renowned icon of the philippines, the rizal monument at luneta park.

kalesa at manila hotel
ang kalesa ay isa pang tatak pinoy. bagama’t kakaunti na lamang ang mga ito, makikita pa rin sila bilang mga panturistang sakayan. sa likod naman ay makikita ang manila hotel, isa sa pinakamagandang hotel sa pilipinas.
the calesa is another trademark of the philippines. although they are few in numbers now a days, you can still see them as a tourist vehicle. at the background is the manila hotel, one of the finest hotel in the philippines.





Nung bago “lumiit” ang lote ng paaralan ng panganay kong anak, taun-taon ay may kalesa sa kanila upang sakyan nila. Tuwang tuwa ang mga bata
Ganda ng mga larawan mo.
julie
3 Jul 08 at 1:47 am
Bilib talaga ako sa pagkuha mo ng litrato! Ang ganda talaga!!!
Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!
ShutterHappyJenn
3 Jul 08 at 1:57 am
Galing ng unang litrato mo Lino! Sana makasakay naman ako ng kalesa pag makapunta ako dyan. Magandang Huwebes sa iyo!
Tere {Blessings in Life}
3 Jul 08 at 2:19 am
national flower! sampaguita, para ko nang naamoy! nyay, katakot ata yun! hehe…ay nkaka-miss naman ang luneta!at ang kalesa natin, meron din kasi dito pero mga higante ang kabayo:) at ang manila hotel! dyan ako nanggaling nung kasal ko!:)gandang hotel!
ces
3 Jul 08 at 2:23 am
hay…kelan kaya ako makakasakay ng kalesa….
Willa
3 Jul 08 at 2:44 am
parang ang linis-linis ng kapaligiran ng luneta, parang makakapaglakad ako ng nakayapak ng di marurumihan ang talamapakan ko.
kiwipino
3 Jul 08 at 2:45 am
wow ang gaganda! ang tagal ko nang di nakakakita (at nakakasakay) ng kalesa. tuwang-tuwa ako talaga pag nakakita ako nyan.
abby
3 Jul 08 at 2:54 am
as usual kay ganda na naman ang lahok mo, ganda ng composition at aperture nung una. siguradong maganda rin ang lens mo. ay kalesa buti nasakay na rin ako dyan nung nag punta ako sa tiendesitas pwedeng upahan ng 30 mins.
jennyL
3 Jul 08 at 2:57 am
“bulaklak, kay bago ng bulaklak…dulot satin ay galak”
pinoy na pinoy ang mga larawan mo!
fortuitous faery
3 Jul 08 at 3:11 am
thanks julie…

maraming salamat jenn…
salamat tere…
korek ces…
sakay na willa…
malinis yung parteng yun ng damuhan kiwipino…
salamat abby…
hehe, maraming salamay jennyL, kitlens lang po ang gamit ko…
salamat faery…
Lino
3 Jul 08 at 3:22 am
wow naman! mukang hindi mo pinaghandaan ang mga kuha mo ha!!
maligayang huwebes po sayo!
ettey
3 Jul 08 at 3:28 am
Pro na pro talaga palagi ang mga lahok mo, Lino! Naalala ko bigla yung yumao kong lolo dahil mahilig siyang pumitas ng mga sampaguita mula sa hardin para ialay sa altar nila sa bahay.
Pinky
3 Jul 08 at 3:35 am
Huwaw wow!!! Sobrang picturesque!!!
Galing mo talaga!
Puro mga awit na luma ang nababasa ko sa mga komento, kanina yun ‘Tayo’y mga Pinoy, ngayon naman ay bulaklak, mas ok yata kung ang pinost ko ay ang mga pinoy na nagkakaraoke!
g
3 Jul 08 at 3:48 am
Lino, nice shots. I love the sampaguita with rizal monument at the back. perfect way to capture symbols of the filipino!
maligayang lp!
Clicking Away
3 Jul 08 at 3:49 am
hehe, actually ettey, june 12 2007 pa yang mga pics na yan, hehehe…
salamat pinky…
maraming salamat g…
thanks clicking away…
Lino
3 Jul 08 at 4:25 am
wwwwwwwwwoooowwwww! bilib talaga ako sayo. two in one…napagsama mo si mareng Sampaguita at si pareng Jose. galing!!! at ang kalesa ke ganda. buti ka pa at nakakapasyal ka pa sa lugar na yan…
Sampaguita, Dr. Jose Rizal at ang Kalesa…mga tatak PINOY!
Reflexes
3 Jul 08 at 6:19 am
uy parang postcards… ang galing!
bumisita ako sa luneta noong huling uwi namin
betchay
3 Jul 08 at 7:10 am
humahalimuyak sa ganda ang mga kuha mo.
ang galing!
mousey
3 Jul 08 at 7:35 am
ang gaganda naman nito, Lino. tatak pinoy talaga!
luna miranda
3 Jul 08 at 7:46 am
Ang sarap ng amoy ng sampaguita. Nung bata pa kami, may tanim na ganyan ang lola namin. Kami ang tagapitas. Siya ang tagatuhog. Diretso sa altar ang bulaklak. Magandang Hwebes!
Em Dy
3 Jul 08 at 7:55 am
astig talaga! bow! peyborit ko yung sampagita pichur, sobra! nakakapasaya ng puso habang tinitignan ng matagalan.
happy ‘webes!
teys
3 Jul 08 at 8:02 am
Nice photos Lino! I just love the composition and balance of both photos, especially the one with the sampaguita and Rizal Memorial in the background. Just excellent!
Pinay MegaMom
3 Jul 08 at 12:19 pm
lino, pinahanga mo ako sa mga larawan mo! photo diads talaga! galing! you are my new favorite person. salamat sa pagdalaw!
jerome aka bridget
3 Jul 08 at 1:29 pm
ang kalesa ay talagang may tatak ng pinoy. matagal-tagal na din akong di nakakasakay nyan. minsan nga balak kong dalhin ang mga anak ko dyan sa may malate manila para makasakay ng kalesa
Cookie
3 Jul 08 at 3:27 pm
Ang gaganda ng mga lahok mo, lalo na yung una!!!
Gusto ko ngang pasakayin ang mga anak ko sa kalesa kapag bumisita kami ng Maynila. Kelan kaya yun? Sana meron pang kalesa kung saka-sakali!
Joy
3 Jul 08 at 4:08 pm
ang gaganda ng kuha lino, pang-postcard talaga…
mga pambansang tatak ng Pilipinas!
peterahon
4 Jul 08 at 12:41 am
Kahit blurred yung monument ni rizal, distinguishable pa rin. Tatak pinoy talaga!
Ferdz
4 Jul 08 at 2:09 am
talagang huling-huli mo sa iyong mga litrato ang tema kada linggo. i love how you put different things tat connect, together!
magandang araw sa’yo!
lidie
4 Jul 08 at 2:47 am
ang gaganda ng mga larawan! ang kalesang nasakyan ko yung umiikot sa tiendesitas. hahaha!
naku, mali pala ang english translation ko ng tatak pilipino. papalitan ko! salamat, lino! hahaha!
LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan
Munchkin Mommy
4 Jul 08 at 3:44 am
wonderful shots!! hay naku wala na yata akong ibang masabi tuwing nakikita ko mga pictures mo kapatid he he…
(next time, sa dutch language naman para maiba *lol* )
Thess
4 Jul 08 at 7:35 am
wow naman! ang gagaling ng mga kuha
happy weekend!
MommyBa
5 Jul 08 at 2:09 am
Noong nagpasyal kami sa Vigan dalas naming sumakay ng calesa, tuwang tuwa ang mga bata, medyo downside lang yung antot ng ebs ng kabayo hehe. Nice shoot of sampaguita and Luneta.
Happy LP!
KD
5 Jul 08 at 7:29 am
maraming salamat po…
Lino
7 Jul 08 at 10:04 pm
i love philippines!
romila
11 Aug 08 at 10:53 am